Tiniyak ni Senator Alan Peter Cayetano sa Filipino community sa Geneva, Switzerland na hindi kinukunsinti ng gobyerno ng Pilipinas ang kawalan ng pananagutan ng mga pulis at iba pang pang-aabuso sa loob ng Philippine National Police (PNP).

Iginiit ni Cayetano, nasa Geneva bilang pinuno ng 16-delagado ng Pilipinas sa Universal Periodic Review (UPR) ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), na ang anumang pagpatay na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pulisya sa kaugnay sa kampanya kontra illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte ay masusing iniimbestigahan.

“Anyone killed by the police is investigated. Although the police operations were presumed legitimate, the presumption is not conclusive,” sabi ni Cayetano sa daan-daang Pilipino mula sa Switzerland, Germany, Spain, Germany, France, Belgium, UK, Italy, at Canada.

“If evidence shows that there is (EJK) extrajudicial killing, kakasuhan po ang mga alagad ng batas,” sabi ng senador sa kanyang mensahe sa mga dumalo sa forum na inorganisa ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Switzerland.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi ni Cayetano na tinutupad ng Philippine National Police-Internal Affairs Services (PNP-IAS) ang mandato nito namagsagawa ng motu proprio investigation sa mga insidente lalo kung nagpaputok ang isang pulis; at kapag may namatay,nasugatan o may naganap na anumang paglabag sa karapatang pantao sa mga operasyon ng pulisya.

Binigyang-diin ni Cayetano na nais ni Pangulong Duterte na maisulong ang seguridad ng mamamayan sa lahat ng sandali.

“President Duterte wants every single Filipino to be safe. In the Philippines and abroad. But his powers abroad (are) limited, but his powers in the Philippines, he will use extensively to keep your children, your relatives, our people safe,” ani Cayetano. (Hannah L. Torregoza)