Kahit na sinabi mismo ni U.S. President Donald Trump, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon na kailangan pa rin ang pormal na imbitasyon bago makapagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa White House.
Matatandaan na sa kanilang pag-uusap sa telepono noong Abril 29, inimbitahan ni Trump si Duterte na bumisita sa White House.
Ipinaliwanag ni DFA spokesperson Robespierre Bolivar na maaari lamang tanggapin o tanggihan ni Duterte ang imbitasyon kung mayroon nang ipinadalang formal invitation.
“Yes, that’s the standard diplomatic practice,” aniya sa ambush interview sa Malacañang kahapon ng umaga.
“We have yet to receive a formal invitation from the White House. When the formal invitation comes, if the President [decides to] accept [it], we will formally convey the acceptance,” dugtong niya.
Ipinaliwanag niya na sisimulan lamang nila ang pagtatrabaho sa diplomatic details ng pagbisita kapag nagpasya ang Pangulo na taggapin ang pormal na imbitasyon. (Argyll Cyrus B. Geducos)