JERICHO AT BELA LANG_please crop copy

BIG surprise para sa entertainment writers na nanood ng Luck at First Sight ang matinding chemistry nina Jericho Rosales at Bela Padilla sa pelikula.

Ito ang kauna-unahang pagtatambal nila sa big screen pero damang-dama agad ang kakaibang rapport ng dalawang bida.

Nakuhang muli ni Direk Dan Villegas ang tamang timpla ng kilig at romansa sa pelikula ng Viva Films at N2 productions na palabas na sa mga sinehan sa buong bansa.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagkaroon ito ng matagumpay na premiere screening sa Cebu at sa SM Megamall last week.

Mula sa malalagkit na tinginan, hawakan ng kamay at yapusan hanggang sa matitinding confrontation scenes, bumilib ang lahat sa kahusayan sa pag-arte nina Echo at Bela.

Sa pelikula, gumaganap si Echo bilang si Joma na naniniwala sa pagkakaroon ng masuwerteng partner para matubos ang bahay ng kanilang pamilya na naisanla dahil sa sugarol na ama.

Si Bela naman si Diane, dalagang ulila sa ina na nangangailangan ng perang pampaopera sa amang maysakit.

Nagkakilala sila sa isang pambihirang pagkakaton at nagkasundong sabay na tataya sa iba’t ibang aspeto ng buhay, kabilang na ang pagmamahal.

Swak na swak ang pagganap nina Echo at Bela sa kani-kanyang papel, pati na ang kakalugan, kakuwelahan at kahusayan sa pagpapatawa ng co-stars nilang sina Kim Molina at Cholo Barretto.

Agree ang press na winner ang Luck at First Sight hindi lang dahil sa kahusayan ng cast sa pagganap kundi pati na ang simple pero makabuluhang kuwento nito.

Kakaibang putahe kaya interesanteng panoorin, very now pa ang mga dialogue pero siguradong hindi lang millennials ang makaka-relate.

Bonus pa ang magandang official soundtrack ng pelikula sa pangunguna ng love theme na Umaaraw, Umuulan, ang orihinal na Rivermaya hit na ni-remake at binigyan ng bagong flavor ni Zia Quizon.

Bukod kina Echo, Bela, Cholo Barretto at Kim Molina, nasa cast din ng Luck at First Sight si Dennis Padilla bilang tatay ni Bela.

Graded A sa Cinema Evaluation Board ang Luck at First Sight.