Bibiyahe patungong Cambodia, Hong Kong, at China si Pangulong Duterte ngayong linggo.

Isusulong ng Pangulo ang kanyang mga economic policy sa iba’t ibang lider at chief executive officers (CEO) na dadalo sa tatlong araw na World Economic Forum (WEF) sa Phnom Penh, Cambodia simula bukas.

Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Robespierre Bolivar kahapon na inimbitahan si Duterte ng mga organizer ng WEF bilang panauhing pandangal, dahil ang Pilipinas ang chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong taon.

“The organizers designated the President as an honored guest of the WEF alongside the Prime Minister of Vietnam who is currently the chair of the Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC),” sinabi ni Bolivar sa pre-departure briefing sa Malacañang kahapon ng umaga.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Lalahok sa pulong nito sa ASEAN ngayong taon ang mahigit 700 lider sa negosyo, gobyerno, civil society, at media, at sa unang pagkakataon ay gaganapin sa Cambodia.

“The President has also been given the opportunity to address international investors regarding his economic plan,” sabi ni Bolivar, na ang tinutukoy ay ang Dutertenomics.

Ang tema ng WEF ngayong taon ay “Youth, Technology, and Growth: Securing ASEAN’s Digital and Demographic Dividends.”

Ang pagbisita ni Duterte sa Cambodia mula Mayo 10 hanggang 11 ang pangalawa na niyang pagbisita sa bansa bilang Pangulo. Una siyang dumalaw sa Cambodia para sa state visit noong Disyembre 2016.

Matapos ang dalawang araw sa Cambodia, didiretso ang Pangulo sa Hong Kong, mula Mayo 11 hanggang 13.

“From Cambodia, the President flies to Hong Kong where he is scheduled to meet with a large Filipino community based in the Special Administrative Region,” ani Bolivar.

Mula sa Hong Kong, tutungo si Duterte sa Beijing, China para makilahok sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) kung saan makakasama niya ang 27 lider ng ibang bansa, at mga pinuno ng tatlong pandaigdigang organisasyon. (ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at BETH CAMIA)