PINATUNAYAN ni Jonas Sultan na hindi tsamba ang pagwawagi niya sa South Africa nang mapatigil niya sa2nd round si world rated Makazole Tete matapos niyang ma-knockout sa 8th round si dating WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro kamakalawa ng gabi sa Angono Sports Complex, Angono, Rizal.

Bukod sa napanatili ang kanyang IBF Inter-Continental super flyweight title, tiyak mapapansin ng WBC si Sultan dahil ranked 22nd doon si Jaro samantalang nakalista lamang siya na No. 24.

Nakipagsabayan si Sultan sa matibay na si Jaro pero likas siyang mabilis at mas bata kaya napagod ang dating world champion.

“The end began late in the eighth as a counter left hook rocked Jaro into the ropes, and a follow-up barrage sent the aging fighter through the ropes for the count. The official time of stoppage was 2:07,” ayon sa ulat ng Rappler.com.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napaganda ni Sultan ang kanyang rekord sa 13-3-0 win-loss-draw na may 9 pagwawagi sa knockouts samantalang posibleng magretiro na si Jaro na may kartadang 43-14-5, kabilang ang 30 panalo sa knockouts. (Gilbert Espeña)