COTABATO CITY – Isang mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay habang apat na tauhan nito at pitong sundalo ang nasugatan sa sagupaan sa Datu Salibo, Maguindanao, nitong Linggo.

Kinilala ang napaslang na si Khalid, umano’y pamangkin ni Ismael Abubakar, ang leader ng isa sa tatlong paksiyon ng BIFF. Sumumpa na ng katapatan ang grupo ni Abubakar sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at kinikilala rin ang bandila ng ISIS.

Kinumpirma ng mga opisyal ng Municipal Peace and Order Council ng Datu Salibo ang pagkamatay ni Khalid sa labanan nitong Linggo, na sumiklab sa pagpapasabog ng BIFF ng dalawang bomba sa gilid ng highway sa Datu Salibo nitong Linggo.

Kahapon, kinumpirma rin ng tagapagsalita ng BIFF na si Abi Misri sa isang panayam sa radyo ang pagkamatay ng isa nilang kasama at pagkakasugat ng apat na iba pa.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pitong miyembro rin ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasugatan sa bakbakan sa Barangay Pagatin, Datu Salibo.

Sinabi ni Captain Arvin Encinas, public affairs officer ng 6th Infantry Division, na kaagad na sumailalim sa gamutan ang pitong sundalo. (Ali G. Macabalang)