Posibleng ang Benham Rise na ang susi sa seguridad sa pagkain ng bansa, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol kasunod ng tatlong-araw na exploratory trip ng kanyang grupo sa 13-milyon ektaryang underwater plateau.

Inaasahang nag-ulat si Piñol kay Pangulong Duterte sa pulong ng Gabinete kahapon tungkol sa paggalugad ng grupo ng kalihim sa Benham Rise—na sagana sa yamang-dagat at dapat na protektahan mula sa labis na pangingisda.

Sinabi ni Piñol na irerekomenda niya sa Pangulo at sa Gabinete ang pagpapagawa ng pasilidad sa Benham Bank, ang pinakamababaw na bahagi ng Benham Rise, para sa isang research center na magagamit ng mga marine scientist, isang pantalan para mga lokal na mangingisda, isang planta ng yelo para panatilihing sariwa ang mga huling isda, isang himpilan para sa Philippine Coast Guard, at isang weather radar station.

Kasama ang isang grupo mula sa DA at Bureau of Aquatic and Natural Resources (BFAR), ginalugad ni Piñol ang Benham Rise nitong Mayo 5-7 upang magsagawa ng pananaliksik sa layuning matukoy ang potensiyal ng Benham Rise.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“This is a pro-active action to discover how rich Benham Rise is as far as natural resources are concerned. More importantly, this is also to protect the area from overfishing and to give our fisherfolk priority access to Benham Rise's marine resources and make them partners in ensuring the protection of Benham Rise,” sabi ni Piñol.

(ELLALYN DE VERA-RUIZ)