Pag-uusapan ngayon ng Senate Committee on Public Services ang pagpapalawig sa lisensiya ng mga tsuper mula tatlong taon hanggang limang taon.
Ayon kay Senator Grace Poe, chairman ng komite, sa pamamagitan nito ay makatitipid ang pamahalaan at maiiwasan din ang mahabang pila ng mga nagre-renew ng lisensiya.
“The public hearing will also tackle the strict regulation on the issuance of driver’s licenses,” ani Poe.
Ang pagdinig ay bunga ng magkahiwalay na resolusyon nina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Senators Richard Gordon at Joseph Victor Ejercito na nananawagang palawigin ang bisa ng drivers license. (Leonel M. Abasola)