Tatlong high value target level 1 drug pusher ang nalambat sa simultaneous buy-bust operation ng Pasay City Police nitong Sabado ng gabi.

Nakakulong na sa detention cell ng pulisya sina Jobert Fernandez y Pipoy, 22; at Joel Titanisan y Calanoc, alyas “Jojo”, 39, binata, kapwa taga-Barangay 179, Zone 19, Maricaban; at George Guiraldo Jr. y Elpides, alyas “Boy Kirat”, 46, may asawa, ng Bgy. 143, Zone 15, Pasay.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), dakong 10:30 ng gabi nang nagsagawa ng tuluy-tuloy na buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay Police, sa pamumuno ni Senior Insp. Meynard Pascual, laban sa mga suspek sa Riverside sa Bgy. 179 sa Maricaban, at sa Gamban Riverside sa Bgy. 143, Zone 15.

Unang naaresto ng mga pulis sina Fernandez at Titanisan, at nakumpiskahan ng limang plastic sachet na naglalalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P18,000, at P500 marked money.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nasamsaman naman si Guiraldo ng limang maliliit na plastic sachet na may hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000, at P200 marked money.

Sa pagsisiyasat, kabilang ang tatlong suspek sa listahan ng high value target ng Pasay City Police, at kakasuhan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) sa Pasay Prosecutor’s Office. (Bella Gamotea)