LIAN, Batangas – Sinampahan na ng karampatang kaso ang driver ng jeepney na nakabangga at nakapatay sa isang binatang motorcycle rider sa Barangay Matabungkay, Lian, Batangas kamakailan.
Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property sa Nasugbu Regional Trial Court at nasa kustodiya na ng pulisya si Felix Ureta, 51, ang driver ng jeep (DAU-519) na nakasagasa kay Mhar Angelo Colecha, 22, ng Bgy. Puting Kahoy, Lian nitong Mayo 2.
Sa panayam kay PO3 Primitivo Dayandayan, nilinaw niyang nasa unahan ang motorsiklo ni Colecha nang dumulas ito at nabangga ng kasunod na jeep ni Ureta. (Lyka Manalo)