Sugatan ang siyam na katao makaraang bumangga ang sinasakyan nilang truck sa puno ng niyog sa gilid ng highway sa bayan ng Gutalac sa Zamboanga del Norte, ayon sa ulat kahapon ng pulisya.
Batay sa imbestigasyon ng Gutalac Municipal Police, bandang 1:00 ng hapon nitong Biyernes nang mangyari ang aksidente sa Barangay Tipan sa Gutalac.
Ayon sa report ng pulisya, kargado ng 20 sako ng kopya ang Isuzu Elf truck na minamaneho ni Ivan Lee Calimpon Pabuaya, 28, para dalhin at ibenta sa palengke nang mawalan ng preno ang sasakyan.
Bumangga ang truck sa puno ng niyog sa gilid ng highway na ikinasugat ng siyam na sakay nito.
Isinugod sa Dipolog Medical Center ang mga biktima habang ikinulong naman si Pabuaya. (Fer Taboy)