LONDON (AP) — May hanggang Hunyo 20 si Maria Sharapova para makumpirma na makalalaro siya sa Wimbledon ngayong seasom.
Nagbalik aksiyon si Sharapova, ang 2004 champion sa All England Club, sa WTA Tour matapos ang 15-buwang banned dulot ng pag[positibo sa ilegal na droga.
Bilang wild card entry kamakailan sa Porsche Grand Prix, umabot si Sharapova sa semi-finals sa Stuttgart, sapat para umusbong ang bagong world ranking sa No. 262.
Sa French Open, tinatalakay pa kung bibigyan ng wild card si Sharapova. Ang deadline ay sa Mayo 16.