WINALIS ng Pocari Sweat ang Philippines Air Force, 25-22, 25-14, 25-22, para sa unang panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference nitong Sabado sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Impresibo mula simula hanggang sa pagtatapos ang Pocari para makalinya sa winning column matapos ang tatlong laro, habang bumagsak ang Jet Spikers sa 1-3.

“Deflating talaga yung nangyari sa amin,” ayon kay Pocari Sweat head coach Rommel Abella.“But I never lost confidence sa team namin.”

“Minor adjustments lang kinailangan namin kasi nag-improve kami from game one to game two. Hanggang 20 nakakalaban kami pero bumibitaw. Good thing, nag-perform yung leader namin this time,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna sa panalo si Myla Pablo sa itinala nitong 23-puntos mula sa 18 hit, dalawang block at tatlong ace.

“Hopefully, ito na yung turnaround. Sabi ko nga sa kanila, kailangan muna natin ng isang panalo then we’ll go from there,” ani Abella . “Hopefully, ma-carry over namin ito.”

Pinangunahan naman ni Jocemer Tapic ang Air Force na dumanas ng dalawang sunod na pagkatalo sa itinala nitong 11 puntos. (Marivic Awitan)