PARIS (AP, AFP) — Ginulat ang political map ng France, inihalal ng mga botanteng French ang independent centrist na si Emmanuel Macron bilang pinakabatang pangulo ng bansa nitong Linggo. Pinutol ng pro-European na dating investment banker ang populist dream ng far-right rival niyang si Marine Le Pen.

Nagdiwang si Macron, na ngayon lamang tumakbo sa halalan, kasama ang libu-libong mamamayan na nagwagayway ng mga bandila sa labas ng Louvre Museum sa Paris nitong Sabado ng gabi.

“France has won!” aniya. “Everyone said it was impossible. But they do not know France!”

Mabilis na tinawagan ni Marine Le Pen ang 39-anyos na si Macron upang tanggapin ang pagkatalo matapos tanggihan ng mga botante ang kanyang “French-first” nationalism.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iniabot ni Macron ang kamay sa mga tagasuporta ni Le Pen.

‘’They voted out of anger, distress and sometimes conviction. I respect them,’’ aniya sa madla. ‘’I will do everything I can over the next five years to ensure that people no longer have any reason to vote for extremes.’’

At sa mamamayang French, sinabi niyang: ‘’I will protect you against threats. I will bring you together because I want us to be unified.’’

Bumuhos ang mga pagbati ng iba’t ibang lider ng bansa kay Macron.

Nagpaabot din ng pagbati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nangako na mas paglalapitin pa ang relasyon ng Pilipinas sa France sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“President Rodrigo Roa Duterte extends his congratulations to Emmanuel Macron on his election as President of France,” pahayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella, kahapon.

“France is one of the biggest trading partners of the Philippines in the European Union (EU), and we look forward to working with the incoming Macron administration to enhance PH-FR bilateral relations,” dugtong niya.

(May ulat ni Genalyn D. Kabiling)