ILOILO CITY – Sa kasagsagan ng kontrobersiyal na kampanya ng gobyerno laban sa droga, sinabi ng Ilongga na pumang-apat sa mga pumasa sa 2016 Bar Examinations na hindi siya tatanggap ng mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

“We hear lawyers get killed in the crossfire. I don’t want to end my life and my career early,” paliwanag ni Allana Mae. A. Babayen-on.

Sinabi ng law graduate ng University of San Agustin (USA) sa Iloilo City na mas nanaisin niyang pagtuunan ang ibang kaso.

“I just want to be part of the machinery that dispenses justice,” sinabi ni Allana sa panayam ng Balita sa telepono.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kawani ng kapitolyo ng Iloilo, sinabi ni Allana na ikinagulat niya nang pumang-apat siya sa mga pumasang abogado.

Kuwento ng 28-anyos na tubong Banate, Iloilo, na na-realize lamang niyang nais niyang maging abogado nang mapagod na siya sa iba-ibang trabaho sa Maynila sa nakalipas na mga taon.

“That was the time I felt I had no future,” kuwento ni Allana. “I was looking for my niche in this world.”

Umuwi sa Iloilo si Allana at noon niya napagtanto na gusto niyang maging abogado. (Tara Yap)