NILINAW ni Miley Cyrus nitong Sabado ang naging kontrobersiyal na komento niya tungkol sa rap at hip-hop music sa panayam ng Billboard sa kanya kamakailan.

Nagsalita para sa cover story ng magazine tungkol sa kanyang bagong musika at pagbabalikan nila ni Liam Hemsworth, sinabi ni Miley na ngayon ay hindi na niya kayang makinig sa rap music.

“That’s what pushed me out of the hip-hop scene a little,” sabi pa niya. “It was too much ‘Lamborghini, got my Rolex, got a girl on my cock’ — I am so not that.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaagad na sumagot ang netizens sa pamamagitan ng social media, at binatikos si Miley na ganoon na lamang niya kadaling talikuran ang genre na walang dudang nakaimpluwensiya sa kanya at nagpakilala sa kanyang ‘bad girl’ image.

“When articles are read it isn’t always considered that for hours I’ve spoken with a journalist about my life, where my heart is, my perspective at that time, and the next step in my career,” banggit ni Miley sa Instagram caption na ipinost niya nitong Sabado. “Unfortunately only a portion of that interview made it to print.”

“To be clear, I respect ALL artists who speak their truth and appreciate ALL genres of music (country, pop, alternative... but in this particular interview I was asked about rap),” patuloy niya. “I have always and will continue to love and celebrate hip hop as I’ve collaborated with some of the very best!”

Tila maganda naman ang intensiyon ng singer, ngunit kahit nagpaliwanag na siya, hindi sinagot ni Miley ang punto ng mga bumabatikos — aya ng kung paano naging madali sa kanya na yakapin at pagkatapos ay basta na lamang talikuran ang tunog at aesthetics na hiniram sa black culture at musika.

Nang ilabas niya noong 2013 ang Bangerz, ginamit ni Miley ang umaangat na rap scene upang patibayin ang kanyang transisyon mula sa pagiging Disney teen patungo sa full-fledged adult singer. (Huffington Post)