“WALA talaga siyang box office appeal, hindi makakapit ang tao sa kanya, maski nga sa TV wala rin siyang kapit sa viewers.” 

Ito ang narinig naming komento ng kilalang TV/Movie director tungkol sa isang aktres.

Inabutan namin sa isang restaurant na kausap ng TV/movie director ang isang indie producer na nagbabalak kunin ang serbisyo ng aktres, pero nagdadalawang-isip ang direktor dahil baka hindi mabawi ang puhunan bukod pa sa hindi kagalingan sa pag-arte.

Napaisip tuloy kami at binalikan sa isip kung anu-ano ang projects na ang nagawa ng aktres at totoo nga, wala pang pelikulang kumita na kasama siya. Sinabi naming kasama siya kasi hindi naman siya ang bida kundi support lang.

Tsika at Intriga

'Englishera Girl' sa mga bumatikos sa kaniya: 'I didn't do anything wrong!'

‘Yun nga, support na lang hindi pa kumita, e, di lalo na kung siya na mismo ang bida.

Maging sa project sa TV na kasama ang aktres ay hindi rin siya napapansin, bakit kaya?

Hanggang sa umalis na kami sa restaurant ay hindi pa rin napapayag ng indie producer ang kilalang TV/movie director na gawing bida ang flopsinang aktres sa pelikulang planong isama sa Metro Manila Film Festival 2017. (Reggee Bonoan)