SUMANDAL ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel at Diliman College-JPA Freight Logistics sa gilas ng African recruits upang itala ang impresibong panalo sa 2017 MBL Open basketball championship kamakailan sa EAC Sports Center.

Binura ni Chabi Soulmane ang kanyang mga defenders upang umiskor ng 31 puntos at pamunuan ang CdSL sa 89-79 panalo laban sa Manuel Luis Quezon University-Victoria Sports.

Nanguna naman si Alex Diakhite sa kanyang 28 puntos para sa 72-56 panalo ng Diliman-JPA laban sa NCAA member Emilio Aguinaldo College.

Ang nasabing panalo ng dalawang collegiate teams, na kilala sa kanilang mahusay na sports program, ay nagsilbing babala sa kanilang mga kalaban sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry's Grill.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Soulmane, ang 6-6 workhorse mula Nigeria, ay walang humpay na umiskor sa shaded area upang pangunahan ang Blue Griffins sa ika-dalawang dikit na panalo.

Umiskor si Soulmane ng 13 puntos para sa Griffins, binigo ang ilang ulit na rallies ng Stallions sa kanilang sagupaan sa fourth quarter.

Samantala, si Diakhite, ang sariling "Tower of Power" ng Diliman, ay nagpakita ng kakaibang sigla upang tulungan ang Blue Dragons nina coach Rensy Bajar at managers Sen. Nikki Coseteng at Jerry Alday sa panalo laban sa Generals

Nag-ambag si Algie Chavenia ng 11 puntos para sa Quezon City-based team na sinusuportahan din ng MBR Sports at Gerry's Grill.

Iskor:

(Unang Laro)

Diliman-JPA Freight (72) -- Diakhite 28, Chavenia 11, Guerrero 6, Bauzon 6, Brutas 5, Curquez 5, Torrado 4, Sombero 3, Tay 2, Mbiya 2, Ligon 0.

EAC (56) -- Mendoza 10, Ubay 9, Gonzales 7, Diego 6, General 6, Umali 4, Tampoc 4, Bugarin 2, Gano 2, Martin 2, Natividad 2, Cadua 2, Estacio 0.

Quarterscores:

22-15, 40-31, 55-44, 72-56.

Ikalawang Laro)

CdSL-V Hotel (89) -- Soulmane 31, Formento 13, Callano 11, Gabriel 10, Castanares 10, Alvarado 6, Maravilla 5, Rosas 3, Laman 0, Vargas 0.

MLQU-Victoria Sports (79) -- Jamila 27, Grimaldo 17, Lao 15, Detubio 9, Asturiano 5, Decana 4, Pabila 2, De la Cruz 0, Perascosas 0.

Quarterscores:

19-17, 41-39, 66-57, 89-79.