SAN JUAN, Batangas - May mga tama ng bala ang bangkay ng isang lalaking palaboy na natagpuang nakahandusay sa isang waiting shed sa San Juan, Batangas, nitong Sabado.
Ayon sa report ni PO3 Edward Hernandez, dakong 6:00 ng umaga nitong Sabado nang matagpuan ang bangkay ng lalaking kilala lamang sa alyas na “Bob Marley”.
Wala umanong pagkakakilanlan sa biktima, na madalas na natutulog sa waiting shed sa Barangay Calit-Calit.
Nakarekober ng mga basyo ng bala ng .45 caliber pistol at .9mm caliber ang mga awtoridad sa lugar, habang dinala naman sa Redondo Funeral Parlor ang bangkay para sa awtopsiya. (Lyka Manalo0