3 copy

MULING nagkaisa ang masasayang mamamayan ng sampung bayan ng Mountain Province sa pagdiriwang ng ika-50 taong pagkakatatag ng lalawigan, kasabay ang pagtatanghal sa kultura at tradisyon ng Kaigorotan sa ika-13 taon ng Lang-ay Festival.

Naghanda rin ang lalawigan ng kanilang Biggest Patupat (ang kanilang bersiyon ng suman), ang isa sa kanilang One Town One Product (OTOP).

Sa pagdiriwang ng golden anniversary ng lalawigan nitong nakaraang Abril 7, naging pangunahing bisita at tagapagsalita si PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Human-Interest

Patok na tindero ng fried chicken, ibinahagi sikreto ng negosyo niya

Bukod dito, naging adopted son siya ng Mountain Province at pinangalaganan bilang “Muling”, na ang ibig sabihin ay solido, hindi natitinag at matigas.

Ayon kay Governor Bonifacio Lacwasan,Jr., ang pagiging adopted son ni Bato ay bilang pagkilala sa mahigpit na kampanya nito sa illegal drugs at dedikasyon sa trabaho.

Kinabukasan, umalingawngaw ang tunog ng ganza o gong, kasabay ang pagsasayaw ng mga kalahok sa street dancing parade ng Lang-ay Festival.

Kinahapunan, mahigit sa 5,000 patupat ang ipinamahagi sa mga dumalo sa kasiyahan, kasabay ang paglulunsad ng Biggest Patupat. Tatlong araw itong ginawa ng Afeo at Puyayeng Women’s Organization na binubuo ng 50 miyembro at niluto mula sa 225 kilong bigas na malagkit, gata ng niyog at asukal. May sukat na isang talampakan ang kapal; apat na talampakan ang lapad at walong talampakan ang haba. Umabot ito sa halagang P50,000.

Sa Bontoc na capital town ng lalawigan mabibili ang patupat, na paboritong kainin ng mga turista.

“Ang lang-ay na ang ibig sabihin ay magsama-sama at magbigayan ay tradisyon na dito sa Montanosa at ito ay aming inaalagaan, ang preserbasyon ng kultura at tradisyon na minana at ipamamana namin sa mga kabataan,” pahayag ni Gov. Lacwasan. (RIZALDY COMANDA)