PRAGUE (AP) — Matikas na bumalikwas mula sa maagang kabiguan si qualifier Mona Barthel ng Germany para maitakas ang 2-6, 7-5, 6-2 panalo kontra Kristyna Pliskova ng Czech Republic at makamit ang Prague Open title nitong Sanado (Linggo sa Manila).
Binasag ni Barthel ang service play ni Pliskova para sa 4-2 bentahe sa final bago nakuha ang second match point para sa ikaapat na WTA title at una mula noong 2014.
“I can’t believe it. Somehow, I made it. I’m completely exhausted,” pahayag ng 82nd-ranked na si Barthel.
Nakuha niya rin ang 2-1 bentahe sa head-to-head duel sa 58th-ranked Czech.