NATIVIDAD, Pangasinan – Nasawi ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) sa bayan ng Natividad sa Pangasinan makaraang pagbabarilin habang sakay sa motorsiklo sa Barangay Carmen, nitong Sabado ng umaga.
Ilang tama ng bala sa katawan ang tinamo ni Woody Magarro, 42, chairman ng Barangay Burgos sa Natividad.
Ayon sa imbestigasyon, dakong 9:45 ng umaga ng Sabado nang buntutan si Magarro ng isang Honda XRM motorcycle na nang makalapit ay ilang beses na pinaputukan ang biktima.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa kapitan. (Liezle Basa Iñigo)