ABUJA (AFP) – Sinabi ng Nigeria nitong Sabado na 82 estudyanteng babae na kabilang sa mahigit 200 dinukot ng Boko Haram Islamists mahigit tatlong taon na ang nakalipas ang pinalaya bilang bahagi ng palitan ng preso.

‘’Today 82 more Chibok girls were released... in exchange for some Boko Haram suspects held by the authorities,’’ sinabi ng panguluhan sa Twitter.

Ayon ito, nagbunga rin ang ilang buwan na pakikipag-usap sa mga jihadist. Nangyari ito mahigit anim na buwan matapos ang pagpapalaya sa 21 nilang kamag-aral sa tulong ng international mediators.

Wala pang ibinibigay na detalye kung ilang suspek ang pinalaya o kung sinu-sino ang mga ito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Nagpasalamat si President Muhammadu Buhari sa security agencies, Swiss government at ang International Committee of the Red Cross (ICRC).

‘’The president has repeatedly expressed his total commitment towards ensuring the safe return of the Chibok girls and all other Boko Haram captives,’’ dagdag sa pahayag.