Magandang balita para sa mga oil consumer: Asahan ang panibagong oil price rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Ayon sa industriya ng langis, posibleng matapyasan ng 70 hanggang 90 sentimos ang kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.
Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Una nang nagpatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis nitong Martes, Mayo 2, nang tinapyasan ng P1 ang kada litro ng kerosene, 85 sentimos sa gasolina, at 70 sentimos naman sa diesel. (Bella Gamotea)