CABANATUAN CITY - Binistay ng bala ng isang umano’y dating pulis ang tatlong katao na ikinasawi ng dalawa sa mga ito sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Sa nakalap na impormasyon ng Balita mula sa tanggapan ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, dakong 9:00 ng gabi nang pagbabarilin ni Franklin Adriano Hizon, 33, umano’y dating pulis, at taga-Bgy. San Mariano, Sta. Rosa, ang tatlong hindi pa nakikilalang biktima sa Purok Malinis 2, Barangay Barrera.
Kaagad na nasawi ang dalawa sa mga biktima, habang tinutugis na ngayon ng tracker team ng pulisya ang suspek.
(Light A. Nolasco)