Pinag-aaralang mabuti ng House committee on suffrage and electoral reforms ang tatlong panukala na layuning ipagpaliban ang barangay elections na nakatakda sa Oktubre bilang suporta sa anti-drug campaign ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna, committee chairman, na titiyakin ng komite na ang mga panukala ay makatwiran at naaayon sa Konstitusyon.
Layunin ng House Bills 5359, 5361, at 5380 na inakda nina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, at ANAC-IP Rep. Jose Panganiban, Jr. na makatulong sa paglutas sa laganap na paggamit at bentahan ng droga sa mga barangay. (Bert de Guzman)