HUMIHILING si Prince William ng mahigit $1.5 million damages mula sa mga responsable sa pagkuha at paglalathala ng “shocking” topless photo ng kanyaang asawang si Catherine, Duchess of Cambridge noong 2012.
Ang mga litrato na kinuha habang nagsa-sunbathing ang duchess ay nagbunsod ng international outcry nang ilathala sa Closer magazine ng France at ang mga litrato ni Catherine na naka-bikini ay lumabas naman sa pahayagang La Provence.
Kaagad naglunsad ang British royals ng criminal proceedings sa ilalim ng istriktong privacy laws ng bansa, nagsagawa ng legal action laban sa anim na miyembro ng media, kabilang na ang editor ng Closer na si Laurence Pieau at mga photographer na gumamit ng mahahabang lente ng camera para tiktikan ang mag-asawa habang nagbabakasyon sa liblib at pribadong Chateau d’ Autet estate sa Provence, France.
Nagsimula na ang paglilitis, at nitong Lunes, binasa ang abogado ng royal na si Jean Veil ang pahayag ng prinsipe, na binira ang malaking invasion of privacy.
“We know France and the French and we know that they are, in principle, respectful of private life, including that of their guests,” simula ng pahayag. “The clandestine way in which these photographs were taken was particularly shocking to us as it breached our privacy.”
Sinabi niya na ang insidente “reminded us of the harassment that led to the death of my mother, Diana Princess of Wales”, na namatay sa car crash sa Paris noong 1997, habang hinahabol ng mga paparazzi ang sasakyan nito.
Nananawagan si Prince William at ang Duchess ng “very large damages”, iniulat na 1.5 million Euros ($1.6 million) mula sa mga boss ng Closer, at “very significant fine” bilang parusa sa mga suspek, ayon sa The Telegraph.
Inaasahang ibababa ang hatol sa Hulyo 4. (Cover Media)