Nagpahayag ng pagkadismaya ang tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) sa naging pahayag ni United Nations (UN) rapporteur Agnes Callamard na hindi epektibo ng paglulunsad ng digmaan kontra ilegal na droga.

Kasabay nito, iginiit ni Chief Supt. Dionardo Carlos na tagumpay ang kampanya ng gobyerno laban sa droga, sa pamamagitan ng Oplan Tokhang ng PNP.

Ito ang binigyang-diin ng tagapagsalita ng PNP kaugnay ng talumpati ni Callamard sa “Drug Issues, Different Perspectives: A Policy Forum” nitong Biyernes sa GT-Toyota Asian Center Auditorium sa UP Diliman, Quezon City.

Sinabi ni Callamard na noong Abril 2016, sa general assembly ng mga gobyerno sa mundo, ay hayagang kinilala na hindi epektibo ang “war on drugs”, sa komunidad man, sa bansa, o sa pandaigdigan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Aniya, maraming problemang panlipunan ang iniuugnay sa droga, pero hindi naman, aniya, dahil sa droga, kundi negatibong epekto ng mga palpak na polisiya kontra droga.

Ngunit sa isang pahayag sa mga mamamahayag, hinamon ni Carlos si Callamard na magbigay ng mga mungkahi kung paanong mareresolba ang problema ng bansa sa droga.

“What would she recommend on how to address the drug problem with an estimate of four million people hooked on illegal drugs?” sabi ni Carlos. “Then what are the better ways?”

“They should share us their expertise so that we can adjust, we can change ours especially if it would improve our campaign,” dagdag pa ni Carlos.

Nanindigan din si Carlos na ang layunin ng PNP ay ang himukin ang mga adik at tulak ng droga na magbago na sa pamamagitan ng Project Tokhang, at nasa 1,266,966 na ang kabuuang sumuko sa pulisya.

“The Philippine government through its Department of Health and Department of Social Welfare and Development extend all possible help to allow these drug addicts to be treated and rehabilitated either by community-based wellness and rehab programs or treatment in drug rehap facilities,” sabi ni Carlos. “This is just in a span of eight months.”

Ayon pa kay Carlos, dapat na sinuri ng mga kritiko ng drug war ang Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) at National Anti-Drug Plan of Action (NADPA) na naglalahad sa polisiya ng gobyerno laban sa droga.

“The campaign (Oplan Tokhang) against illegal drugs clearly addresses the opportunity to change—for those who have been addicted to have a clean life,” giit ni Carlos. “We hope that they would be able to see that also.”

(FRANCIS T. WAKEFIELD)