PARIS (AP) — Pinatawan ng banned para makadalo sa French Open ang dating kampeon na si Ilie Nastase.

Sa maiksing pahayag sa organizer sa opisyal Twitter account nitong Sabado (Linggo sa Manila) nakasaad “following his suspension by the ITF, Mr Ilie Nastase won’t be accredited for the tournament in Paris”.

Nakatakdang magsimula ang Grand Slam championship sa Mayo 28 sa Roland Garros.

Nauna nang pinatawan ng ‘provisionally suspension’ ng International Tennis Federation (ITF) ang 70-anyos na si Nastase matapos ang kanyang ‘racist comment’ hingil sa kulay ng balat nang magiging anak ni 21-time Grand Slam champion Serena Williams, gayundin ang maanghang na pananalita laban sa British player at sa mga official sa laban ng Romania at Britain sa Fed Cup tie.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naging world No.1 si Nastase at kampeon sa French Open singles noong 1973 at doubles titlist noong 1970. Maging sa Wimbledon ay hindi na rin makakatapak si Nastase.

Ipinahayag ni All England Club chairman Philip Brook na hindi nila imbitado ang two-time finalist sa Royal Box ng Wimbledon’s Centre Court.