MAGBABALIK sa boxing si two-time world title challenger Michael “Hammer Fist” Farenas laban sa hindi pa tinukoy na karibal sa Hunyo 1 sa The Hangar, OC Fair & Event Center sa Costa Mesa, California sa United States para sa kanyang pagtatangka sa ikatlong kampeonatong pandaigdig.

Halos dalawang taong hindi sumampa sa lona ang tubong Gubat, Sorsogon na si Farenas na naniniwalang may kakayahan pa siya upang maging kampeong pandaigdig.

May kartadang 44-5-4, kabilang ang 33 knockout.

Beterano si Farenas na tumabla nang hamunin si dating WBA super featherweight champion Takashi Uchiyama ng Japan noong 2012 at natalo sa puntos kay Cuban Yuriorkis Gamboa pagkaraan ng limang buwan sa parehong titulo sa Las Vegas, Nevada.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa huling pinakamalaki niyang laban, natalo si Farenas sa puntos kay Puerto Rican Jose Pedraza sa IBF super featherweight title eliminator sa sagupaang ginanap sa San Juan, Puerto Rico noong 2014 kaya plano niyang umakyat na sa lightweight division sa kanyang comeback bout.

“It’s been a long journey to get back in the ring, but now that time has come,” sabi ni Farenas sa Fightnews.com.

“I’m in great shape and I feel my skill and experience will help on my comeback.” (Gilbert Espeña)