Copy of Alanis copy

HINATULAN ng anim na taong pagkakulong ang dating business manager ni Alanis Morissette na umaming nagnakaw ng milyun-milyon mula sa rock singer sa pamamagitan ng pandaraya sa kanyang finances.

Si Jonathan Schwartz, na nagtrabaho para sa prominent Los Angeles-area firm na GSO Business Management, ay inatasan ding magbayad ng $8,657,268 bilang kompensasyon, ayon sa hatol na ibinaba ng federal judge nitong nakaraang Miyerkules.

Dumalo si Alanis sa sentencing hearing, at sinabing kumilos si Schwartz, “in a long, drawn-out, calculated and sinister manner,” at winasak ang kanyang mga pangarap na mabigyan ng sapat na panahon ang kanyang pamilya at mga kampanya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Inamin ni Schwartz na pinagnakawan niya si Alanis ng $4.8 milion simula 2010 hanggang 2014, at pinalabas ang mga withdrawal bilang personal expenses ng singer at sinabihan siya na matatag ang kanyang pananalapi.

Nang komprontahin, inamin ni Schwartz na nagsinungaling siya at sinabi kay Alanis na ipinamuhunan niya ang pera sa marijuana business.

Umamin din si Schwartz, certified public accountant, sa pagnanakaw ng $1 milyon sa iba pang kliyente na pinalabas niyang home renovations at $737,500 mula sa isa pang kustomer na pineke niya ang lagda.

Si Alanis ay sumikat sa murang edad. Nang magwagi ang kanyang Jagged Little Pill ng Grammy for Album of the Year noong 1995, siya ay 21 at pinakabatang artist ever na nanalo ng prestihiyosong award, isang record na kalaunan ay binasag ni Taylor Swift.

Ang Canadian-born singer ang boses sa likod ng energetic rock anthems na naging pinakabantog noong 1990s kabilang na ang You Oughta Know, Hand in My Pocket at You Learn. (Cover Media)