Demi copy

NAHAHARAP si Demi Moore sa kaso dahil sa pagkamatay sa swimming pool ng isang bisita sa kanyang bahay noong 2015.

Naghain nitong Pebrero sina Jorge at Maria Valle, na ang anak na si Edenilson Steven Valle ay nalunod habang nasa bahay ng star ng Ghost, ng kasong wrongful death laban sa host ng party. Pinangalanan din nila si Betty Wong, ang trustee na nagmamay-ari ng property, sa kanilang legal papers.

Hindi kasama dati si Demi, na wala sa bahay nang maganap ang kasiyahan, sa reklamo, ngunit idinagdag na rin siya ngayon bilang defendant. Iniulat na isinama sa kaso ang aktres dahil ang pool ay walang safety signage o depth markers. Sinabi ng mga Valle na ang rock display sa pool ay panganib kapag may nadulas.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Ayon sa TMZ, hindi marunong lumangoy si Valle at nahulog sa pool nang umalis ang lahat sa lugar. Ang kanyang pagkamatay ay idineklarang aksidente.

Sa unang kaso, sinabi nina Jorge at Maria na nabigo ang party host na si Larry Hernandez, assistant ni Demi, na alertuhin ang mga guest sa “abundant dangerous conditions at the premises”, kabilang na ang lalim ng pool at alcohol consumption. Humihiling sila ng unspecified damages para sa wrongful death at negligence.

Wala pang komento sa kaso ang 54-anyos na aktres, ngunit nang maganap ang aksidente ay nagpahayag ng matinding kalungkutan sa trahedya.

“I was out of the country traveling to meet my daughters for a birthday celebration when I got this devastating news,” sabi ni Demi. “The loss of a child is an unthinkable tragedy, and my heart goes out to this young man’s family and friends.”Cover Media