Isinara ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) ang tatlong southbound lane ng Bonifacio Drive sa Maynila upang bigyang-daan ang paglalagay ng drainage pipe at reblocking.

Sinabi ni DPWH-NCR Director Melvin B. Navarro na ang tatlong lane mula sa center island sa kanto ng Bonifacio Drive at P. Burgos Street southbound ay isinara sa trapiko simula kahapon, Mayo 6, dahil sa paglalagay ng bagong tubo na daluyan, na sinabayan ng road reblocking.

Bente-kuwatro oras na magtatrabaho ang DPWH-NCR para sa agarang pagkumpleto sa nasabing pagawain sa kalsada, na inaasahang bubuksang muli bandang 4:00 ng umaga sa Miyerkules, Mayo 10. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter