Hinimok ni U.S. Secretary of State Rex Tillerson ang mga foreign minister ng Southeast Asia kahapon na tumulong upang maputol ang pagpasok ng pondo para sa nuclear at missile program ng North Korea at limitahan ang diplomatic relations sa Pyongyang.

Sa kanyang unang ministerial meeting nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) kasama ang lahat ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nanawagan din si Tillerson sa mga bansang nag-aagawan sa South China Sea na itigil ang island building at militarisasyon habang pinag-uusapan pa ang pagkakaroon ng code of conduct sa karagatan.

Hiniling ni Tillerson sa mga bansa sa ASEAN na ipatupad ang mga parusa ng U.N. sa Pyongyang, na patuloy sa pagdedebelop ng nuclear missile at ipakita ang nagkakaisang paninindigan sa isyu, sinabi ni Patrick Murphy, U.S. deputy assistant secretary of state for East Asia.

“We think that more can be done, not just in Southeast Asia,” aniya sa reporters. “We are encouraging continued and further steps across all of ASEAN.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag niya, hindi hinihikayat ng Washington ang mga estado ng ASEAN na putulin ang relasyon, kundi repasuhin ang presensiya ng North Korea “where it clearly exceeds diplomatic needs.”

Aminado ang ilang opisyal ng ASEAN na nababahala sila sa ikinikilos ng North Korea, ngunit nag-aalala rin sa trade relations sa United States.

Nagsalita si Philippine acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, kaugnay sa panawagan ng U.S. na bawasan ang pakikipag-ugnayan sa Pyongyang.

“We haven’t really discussed that among the ASEAN countries, so that’s probably something we will look at. Our immediate concern is to try and ensure the tension on the peninsula doesn’t increase. ... The last thing we would like to see is to have a conflict break out due to some miscalculation,” pahayag ni Manalo. (Reuters)