Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagbibitiw ni Roberto Lim bilang Undersecretary for Aviation and Airports.

Ayon kay Tugade, irrevocable ang isinumiteng resignation ni Lim, na magiging epektibo sa katapusan ng Mayo.

Sinabi naman ni DOTr Undersecretary for Rails Cesar Chavez na nais ni Lim na bumalik sa pribadong sektor kaya nagdesisyon itong magbitiw sa puwesto.

Si Lim, na bago naging opisyal ng DOTr ay naglingkod muna bilang country manager ng International Air Transport Association (IATA), ang ikalawang opisyal ng DOTr na nagbitiw sa puwesto.

Matatandaang una nang nagbitiw si Rails and Toll Roads Undersecretary Noel Kintanar noong Nobyembre.

National

Pangil ng Tulfo? Sen. Erwin bibitbitin, palalayasin si SP Alan sa Blue Ribbon hearing!’

(Mary Ann Santiago)