Inihayag ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na mas pinaayos na serbisyo at programa ang ibibigay ng gobyerno para sa benepisyo at pagpapagaan sa buhay ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ngayong taon.

Sinabi ni Bello na bubuksan na ang OFW Bank sa Setyembre 2017, na mangangasiwa sa remittance at iba pang pangangailangan sa pananalapi ng migranteng Pilipino sa buong bansa.

Inaasikaso na rin ang pagbubuo at pag-iisyu ng OFW Identification Card, at itataas ang micro-financing loan mula P50,000 hanggang P300,000 para sa mga umuwing OFW. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony