SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Mga sariling pamangkin ang sinasabing salarin sa pagnanakaw at pagpatay sa mag-asawang retiradong guro nitong Abril 26 sa Purok 6, Barangay San Roque, San Isidro, Nueva Ecija.

Nabatid ng Balita mula kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra na bukod sa robbery with double homicide ay kakasuhan din ng obstruction of justice ang tinutugis na ngayong mag-asawa na sina Marcelo at Jasmin Villafuerte.

Ang mag-asawa ang itinuturong nasa likod ng pagnanakaw at pamamaslang kina Eusebio Beley Matias, 69; at Sobrina Santiago Matias, 65, na tinadtad ng saksak sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, tiyahing buo ni Marcelo si Sobrina at napag-alamang may malaking utang ang mag-asawang Villafuerte sa negosyo ng mga Matias na pagbebenta ng alahas. (Light A. Nolasco)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?