SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Sinamantala ng mga kawatan ang bakasyon at nilimas ang mahahalagang gamit sa San Mariano National High School sa San Antonio, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office director, dakong 9:00 ng umaga nitong Miyerkules nang matuklasan ni Mark Mallari Crisostomo, 35, watchman ng pamahalaang bayan, ang panloloob sa ikalawang palapag ng paaralan.

Sa bintana ng silid-aralan para sa senior high school pumasok ang mga hindi nakilalang suspek at tinangay ang may pitong unit ng desk top computer at projector na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P275,000. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar