NAGBABALIK sa Maalaala Mo Kaya si Rosanna Roces para gampanan ang buhay ni Nanay Estrelita, ang kuwelang mommy na nag-viral sa Facebook dahil sa kanyang nakakaaliw na posts tungkol sa mga usapan nila ng kanyang anak.
Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi naging madali ang buhay para kay Nanay Estrelita (Rosanna). Ang inakala kasing simpleng “nervous breakdown” lang ay schizophrenia na pala. Sa tulong ng National Center for Mental Health, siya ay nagpagamot ngunit itinigil niya ito noong hindi na siya nakaramdam ng sintomas.
Pero isang araw ay nanumbalik ang kanyang sakit na humantong pa sa puntong nasasaktan na niya ang kanyang anak na si Princess (Jana Agoncillo). Napilitan tuloy ang kanyang asawang si Aurelio (Ronnie Lazaro) na ilayo ang bata sa kanya at naiwan siyang mag-isa.
Mapapanood sa MMK mamayang gabi kung paano gumaling si Nanay Estrelita. Makasama niya kayang muli ng kanyang anak?
Ano ang naging impluwensiya ng Facebook sa mag-ina?
Makakasama rin nina Rosanna at Jana sa upcoming episode sina Sharlene San Pedro, Mikee Agustin, at Marife Necesito, mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Badayos at sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Panoorin nang libre ang latest episodes nitosaiwantv.com.ph o skyondemand.com.phpara sa Sky subscribers.