Tinutugis ngayon ng pulisya at militar ang tatlong hindi kilalang armadong lalaki na dumukot sa isang kilalang negosyante sa Barangay Campung sa Pantar, Lanao del Norte, iniulat kahapon.
Ayon sa report ng Pantar Municipal Police, hindi pa nagbibigay ng pahiwatig o nagpapaabot ng mensahe ang mga suspek sa pagdukot kay Rakim Camama, may asawa, negosyante, ng Sitio Basak, Barangay Mululut, Marawi City, Lanao del Norte.
Sinabi ni Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng Lanao del Norte Police Provincial Office (LNPPO), na inaalam na ng Pantar Police kung ano ang motibo sa pagdukot kay Camama. (Fer Taboy)