SA panayam last March kay Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano, kinumpirma niya na isa ang kanyang alaga sa mga aktres na kinokonsidera para gumanap sa Darna.
âIsa siya sa mga choices,â sabi ni Ogie at idinugtong na kapag inialok ang nasabing role, tatanggapin ito definitely ni Liza base sa pakikipag-uusap niya sa alaga.
âItong Darna, superhero, maraming may gusto na gumanap pa ring Darna. Imagine-in mo âyung history ng mga gumanap na Darna, like si Ate Vi (Vilma Santos), so kung si Liza ang mapipili for the role, siyempre tatangapin namin âyun.â
Anim na dekada nang paulit-ulit na ginagawa at pinapanood ng ibaât ibang henerasyon ang famous Pinay superhero pelikula at telebisyon at mga sikat na artista ang napipiling gumanap for the iconic role.
Ang unang Darna movie ay pinagbidahan ni Rosa del Rosario noong 1953, sumunod sina Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño, Vilma Santos, Rio Locsin, Anjanette Abayari, at Nanette Medved.
Sa telebisyon naman ay binigyang-buhay si Darna nina Lorna Tolentino, Angel Locsin, at Marian Rivera.
The much-anticipated new Darna movie, na ipo-produce ng Star Cinema at Reality Entertainment ay ini-offer kay Angel noong 2013. Pero dahil sa spine problem, nag-beg off na formally si Angel na hindi na niya kakayanin ang masyadong pisikal na role.
Last March 20, nag-isyu ang ABS-CBN, Star Cinemaâs mother company, ng formal statement na, the network and Angel had âmutually arrived at a final decision that she will no longer pursue the Darna movie due to her medical condition.â
Paglabas ng announcement, dumagsa ang sangkatutak na rumors kung sino ang mapipili o may âKâ para pumalit kay Angel.
Nagsulputan ang mga pangalang Jessy Mendiola, Nadine Lustre, at lately ay si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Gayunpaman, marami pa rin ang fans na umaasang si Liza Soberano sana ang palarin. (ADOR SALUTA)