'ENCANTADIA' copy

LALO pang lumaki ang lamang ng GMA Network sa nationwide TV ratings nitong Abril, ayon sa datos mula sa Nielsen TV Audience Measurement.

Simula Abril 1 hanggang 31 (ang Abril 23 hanggang 30 ay ayon sa overnight data), nagtala ang Kapuso Network ng 43.3 percent average total day people audience share sa National Urban Television Audience Measurement o NUTAM, mas mataas ng 8.2 points sa 35.1 percent ng ABS-CBN. Mas malaki ang lamang na ito kumpara sa sa 5.4-point advantage ng GMA sa ABS-CBN noong Marso.

Malahigante naman ang agwat ng Kapuso Network sa ABS sa Urban Luzon, na bumubuo sa 77 percent ng mga manonood sa urban TV homes sa bansa. Nakakuha ang GMA ng 50.4 percent na average total day people audience share sa Urban Luzon, malayo sa 28.9 percent average ng ABS-CBN.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagwagi sa lahat ng day parts ang GMA, kabilang na ang pinag-aagawang primetime block, sa NUTAM at Urban Luzon kung saan number one pa rin sa lahat ng programa ang Encantadia. Kasama rin sa listahan ng mga top programs ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Destined to be Yours, Magpakailanman, Pepito Manaloto, 24 Oras, ang bagong programang Daig Kayo ng Lola Ko, Meant To Be, at Hay Bahay.