Sinampahan si dating Department of Finance (DOF) Undersecretary Antonio Belicena ng 45 kasong graft sa Sandiganbayan Third Division sa diumanong pag-apruba at pag—isyu ng P112 milyong halaga ng tax credit certificates kahit wala siyang karapatan dito.

Inaakusahan siya ng paglabag sa Section 3(e) of R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act mula Marso 13, 1995 hanggang Marso 11, 1998 kasama si One-Stop Shop Inter-Angecy Tax Credit at Duty Drawback Center Deputy Executive Director Uldarico Andutan Jr., na sinampahan naman ng 45 kaso. Samantala, si Textile Division Reviewer Asuncion Magdaet ay kinasuhan ng 43 counts.

Sa reklamo, sinabi ni Assistant Special Prosecutor Sheri Zales na sina kina Belicena, Andutan, at Magdaet, at ang lahat ng opisina ng one-stop center ng DOF, ay sinamantala ang kanilang mga posisyon nang makipagsabwatan ang mga ito mga opisyal ng Mannequin International Corporation (MIC). (Czarina Nicole O. Ong)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador