Ed Sheeran copy

TINUPAD ni Ed Sheeran ang pangarap ng 10 taong gulang na tagahanga niyang may sakit nang magtanghal siya ng pribadong konsiyerto para rito sa O2 Arena ng London.

Nakilala ni Ed si Melody Driscoll, may sakit na Rett syndrome at iba pang karamdaman, sa isang ospital noong nakaraang taon.

Inimbitahan ni Ed si Melody sa kanyang sold-out na London gig nitong Martes ngunit hindi ito makadalo kasama ang regular fans dahil sa panganib na makapitan ng impeksiyon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Upang matiyak na mapananood ni Melody ang konsiyerto ng Thinking Out Loud singer, 26, inimbitahan niya ito sa kanyang soundcheck, at itinanghal ang mga paboritong awitin ng fan mula sa kanyang repertoire -- Tenerife Sea, Dive, One at How Would You Feel.

Kahit abala sa paghahanda sa kanyang concert, naglaan din ang British musician ng panahon kasama si Melody, nakipagkuwentuhan at pinirmahan ang plaster cast nito.

Idinokumento ng ina ni Melody na si Katrina Driscoll ang pagkikita ng kanyang anak at ni Ed sa social media, at nag-post ang mga video at larawan sa Twitter.

“I think a little lady is very happy indeed,” caption na inilagay ni Katrina sa ibabaw ng video na kuha sa pag-uusap ng singer at ng kanyang anak, na tinawag si Ed na kanyang “Prince”.

Noong nakataang taon, inalayan din ni Ed si Melody ng kanyang mga sikat na awiting Thinking Out Loud at Photograph nang dalawin niya ito sa Epsom Hospital sa England.

Pagkatapos ng pagbisitang iyon ni Ed, sinabi ni Katrina sa Associated Press na, “I literally owe him my life. He doesn’t realise how much he’s done for her. There’s been several times she has stopped fighting when she has been very sick and we thought we were going to lose her.

“We put Ed Sheeran on and she starts fighting back. It just goes to show that dreams can come true and miracles can happen. You just have to keep fighting for them and she does.”

Sa kanyang gig sa Manchester, England noong nakaraang buwan, nakilala rin ni Ed ang anim na taong gulang na si Ollie Carroll, isa pang bata na mayroon namang life-limiting neurodegenerative condition. (Cover Media)