Nasawi ang isang 12-anyos na lalaki makaraang tamaan ng kidlat sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Batay sa report ng Pagadian City Police Office (PCPO), naglalaro ang binatilyo, sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, sa kanilang palayan sa Purok Kawayan, Barangay Balangasan nang tamaan ito ng kidlat.

Kaagad na naitakbo sa ospital ang bata subalit dead on arrival ito dahil sa matinding sunog na natamo sa katawan.

(Fer Taboy)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol