MARAMING fans ng Star Wars na nakasuot bilang Jedi knights, Galactic Empire storm troopers at iba pang karakter mula sa sci-fi series ang nagparada sa central Taipei nitong Huwebes, bilang bahagi ng pagsisimula ng worldwide celebration ng 40th anniversary ng film franchise.

Kabilang ang costume parties, movie marathons at fun runs sa mga special event na ginanap sa New York at iba pang mga lungsod sa buong mundo sa Star Wars Day.

Nakiisa sa pagdiriwang ang hindi mabilang na fans sa social media, nag-tweet ang karamihan ng “May the 4th be with you,” na paglalaro Star Wars catchphrase na, “May the force be with you.”

Sa loob ng maraming taon, pinagbubuklod ng catchphrase ang Star Wars upang o ipagdiwang ang franchise sa private at public events tuwing Mayo 4.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Sa kabisera ng Taiwan, ilang fans ang lumiban sa trabaho para sa pagkakataong makapagpa-picture na nakasuot ng costume sa landmarks gaya ng Taipei 101 tower at Sun Yat-Sen Memorial Hall.

“I liked ‘Star Wars’ since I was small,” sabi ni Annie Tseng, 40-anyos na communications specialist na nagsuot bilang ang archvillain na si Darth Vader. “I chose Darth Vader because I think he’s very handsome,” aniya.

Ang orihinal na pelikula ng Star Wars, isinulat at idinirehe ni George Lucas at pinagbibidahan nina Harrison Ford, Mark Hamill at Carrie Fisher, ay lumabas sa mga sinehan noong 1977. Simula noon, 11 Star Wars movies na ang nailabas, umakit ng maraming debotong fans sa buong mundo at humakot ng bilyun-bilyong dolyar sa sales ng mga tiket at branded merchandise.

Sa United States, maging ang Federal Aviation Administration ay nakiisa sa kasiyahan. Sa Twitter, nagpaskil ang ahensiya ng larawan ng malaking Star Destroyer spaceship na bumulusok sa kathang isip na planetang Jakku, at may FAA investigator na nakatayo sa tabi nito. “It was a very long day for the only FAA accident investigator on Jakku,” saad sa tweet.

Ang iba pang events sa United States ay kinabibilangan ng special Star Wars-themed activities sa Walt Disney Co’s (DIS.N) Disneyland amusement park sa California. Ang Disney na ngayon ay nagmamay-ari ng Star Wars franchise.

(Reuters)