NEW YORK (AP) – Daan-daang nagpoprotesta ang nag-abang sa West Side Highway ng Manhattan nitong Huwebes para tuyain ang motorcade ni President Donald Trump sa kanyang unang biyahe pauwi sa kanyang bahay sa New York simula nang siya ay maging pangulo ng United States.

Dumaan si Trump dakong 7 p.m. at patungo sa isang hapunan kasama si Australian Prime Minister Malcolm Turnbull sakay ng USS Intrepid, isang decommissioned aircraft carrier.

Nag-boo at sumigaw ang mga tao ng “New York hates you!” na sinabayan ng tugtog ng mga drum at tambourine. Pumalakpak naman ang ibang tagasuporta ni Trump at naglabas ng mga karatula na nagsasabing, “Thank God for Trump” at “Deport illegal aliens.”

Sa New York naganap ang ilan sa malalaking demonstrasyon laban kay Trump sa mga unang araw ng kanyang panguluhan. Mas maliit ang rally nitong Huwebes.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture