tose 4 copy

MANANATILI ang ‘Never-Say-Die’ spirits ng Barangay Ginebra sa mga susunod pang henerasyon.

Ito ang pinagyn diin ni dating Ginebra playing coach Robert Jaworski sa kanyang mensahe sa isinagawang Ganado Ginebra jersey collection grand launching nitong Miyerkules sa PBA Café sa Metrowalk sa Ortigas, Pasig City.

Ayon sa tinaguriang ‘Basketball Living Legend’, ang kasaysayan ng Ginebra ay maiuugat sa mga jersey na ginamit ng koponan sa kanilang mga tagumpay sa nakalipas na 30 taon sa PBA.

Human-Interest

Pasahero ng rider na nagmukhang si 'Sadness' ng Inside Out, kinaaliwan

“Nagpapasalamat ako sa mga tagahanga ng Ginebra na nanatilin fanatics sa loob ng mahabang panahon,” pahayag ni Jaworski sa video conference.

Personal naman ang ibinigay na suporta nina Bal ‘The Flash’ David, Mark ‘The Spark’ Gaguiao at Scottie ‘Mr. Quality Minutes’ Thompson sa isinagawang paglulunsad ng ‘Ginebra jetsey collection’.

“Tuloy ang ‘Never Say Die Spirit’ ng team sa mga jersey na ito,” sambit ni David.

“It’s an honor na napili nila yung jersey No. 1 ko because I believe marami rin naman deserving na players sa akin,” aniya.

Para makuka at maisuot ang inaasam na ‘jersey’, kakailanganin lamang ng mga tagahanga na mangolekt ng limang pirasong takip ng bote ng San Miguel or Vino Kulafu o tatlong GSM Blue, GSM Blue Flavors, GSM Premium Gin at Primera Light Brandy.