ANG “Bahay-Pugo” na tinatawag nila ngayong “Secret Jail” ay hindi na bago sa pandinig ng mga nakatira sa nasasakupan ng Manila Police District (MPD)-Station 1 sa Tundo, na madalas nahuhulihan ng mga kamag-anakang lulong sa ipinagbabawal na gamot, mga tulak ng droga at mga sangkot sa illegal gambling. Matagal na pala itong ginagamit na kulungan sa presinto bago pa man pumasok ang kasalukuyang administrasyon.

Ang pinagkaiba lamang noon at ngayon ay ang “lagay” na hinihingi umano ng mga pulis sa MPD-Station 1 sa mga “natatangi” nilang huli na ikinukulong dito – noon daw ay “barya-barya” lang ngunit ngayon ay “daang libo” na ang pinag-uusapan, lalo pa’t karamihan sa naaresto ay may kinalaman sa paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga sa Tundo.

Tatawagin ko pa rin itong “Bahay-Pugo” dahil ito ang natutuhan ko noong nobatos na police reporter pa lang ako. Dito muna dinadala ng matitinik na pulis ang mga nahuhuli nilang kriminal na “hinog” na raw para “ibiyahe” - kung saan man ang punta ay ‘di ko alam at “never” talaga akong nakasama sa pagbibiyaheng ito na sinasabi nila…Peksman!

Naintriga ako sa naging pahayag ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), na nagpasalamat sa mga pulis ang mga nadiskubreng nakapiit sa secret jail dahil hindi sila isinama sa seldang siksikan at napakainit. Ito ang naging dahilan ko upang bisitahin ang ilang kakilala ko sa Tundo, ‘di kalayuan sa kinapanganakan at kinalakihan kong lugar. Sanay ako sa pasikut-sikot dito at ‘di ako nahirapang makakita ng mapagtatanungang mga dating kalaro sa makikipot na eskinita.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa tatlong taong nakakuwentuhan ko – may karapatan silang magkuwento dahil ilang beses na ring lumapit sa akin ang mga ito para linawin ang ilang bagay hinggil sa pagkakaaresto sa mga pasaway nilang anak -- dalawa agad ang buong yabang na “nagkumpirma” na totoong “nagpapasalamat” ang mga pansamantalang nakukulong sa “Bahay-Pugo” at kabilang daw sila sa mga ito.

May tama pala si CPNP Bato, “nagpasalamat” nga ang mga nakakulong, kaya lang, hindi dahil sa mas maginhawa sila roon, kundi dahil alam nilang MAAAREGLO pa ang kaso dahil sa “bahay-pugo” muna sila ikinulong. Kapag dito raw kasi ay siguradong hindi pa sila naka-book o “blotter” – kapag kasi naka-blotter na ay kinakailangang huwag lumagpas sa reglamentong oras ang kanilang pagkakakulong – ang alam kong pinakamaikli ay 18 oras at 36 na oras naman ang pinakamatagal – bago sila makasuhan dahil ang pulis naman ang madadale rito ng reklamo batay sa entry sa “police blotter.”

Lumalabas tuloy na iba na pala ang paggamit ngayon sa “Bahay Pugo” – kung noon ay taguan bago “ibiyahe”, ngayon ay taguan... muna habang “pinag-uusapan” kung magkano ang magiging dahilan para sila ay pakawalan.

Sinibak na si Supt. Roberto Domingo, MPD Station-1 commander, at binuwag ang buo niyang Station Drug Enforcement Group dahil sa “Bahay-Pugo” sa loob ng presinto, ngunit pinalakas lamang ulit ni CPNP Bato ang loob ng mga ito nang sabihin niyang naaawa siya sa mga pulis niya na gumawa lamang ng paraan para maginhawaan ang mga nakakulong ngunit sila pa ngayon ang nalalagay sa alanganin – isa na namang kuwento para sa pagong!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)