FIVE years ago, wala pa sa showbiz, nagsusulat na ng blog si Maine Mendoza. Kaya hindi kataka-taka kung sumusulat man siya ngayon ng kanyang first book.
Mahusay magsulat si Maine at detalyado ang mga sinusulat niya sa kanyang blog. Kung tahimik siya sa set ng kanyang show, tiyak na nagsusulat siya, tulad nang minsang namin siyang bisitahin sa dressing room niya sa Sunday Pinasaya sa Studio 7 ng GMA Annex. Inabutan naming isinasara niya ang weekly blog niya na isa-submit niya for publication.
Kahit nga nang pumunta sila ni Alden Richards sa US nang mag-show sila roon, dala niya ang laptop niya at humingi pa siya ng two days extension to stay in New York para matapos na ang book dahil may deadline na ito for publication.
Bukod sa siya nga ang personal na sumulat nito, may mga kinuha rin siya sa kanyang personal blog titled “The Pessimistic Optimist Bella.”
Ano ang kaibahan ng kanyang ginagawang libro kaysa ibang libro tungkol sa showbiz?
“Tungkol ito sa personal life ko, sa mga personal experiences ko, my feelings, hindi ito tungkol lamang kay Yaya Dub o sa mga characters na nagampanan ko na at ginagampanan ngayon sa movie at TV. It’s all about Maine Mendoza,” sabi ng dalaga.
Handa ba siyang ma-bash pa rin kapag lumabas na ang kanyang libro?
“Opo, ako kasi masyadong pessimistic na tao, kaya nasanay na rin ako. Binibisita ko rin mga accounts nila para malaman ko kung ano ang sinasabi nila tungkol sa akin, binabasa ko, pero hindi ako sumasagot sa kanila. Sa totoo lang, siguro sasabihin nilang weird pero hindi ako naaapektuhan, feeling ko pa nga parang motivation sa akin ang pangba-bash nila, pero hinahayaan ko na lang.”
Wala pang title ang book, pero ang sabi ay Summit Books din ang magri-release nito, tulad ng libro ni Alden na “Alden Richards In My Own Words”. Sabi ay ngayong May ang release ng book, pero wala pang exact date.
Ngumiti si Maine nang tanungin kung may chapter sa book niya tungkol kay Alden, basta excited na raw siyang i-share sa fans ang kanyang thoughts and feelings ngayong nasa showbiz siya, sa pamamagitan ng kanyang libro.
May bagong blog na inilabas si Maine last May 3 tungkol sa relasyon ngayon ni Selena Gomez at ni Abel Tesfaye ng The Weeknd, na pareho niyang paborito, pero mas gusto raw sana niya sina Abel at Bella Hadid. Saad ni Maine: “At the end of the day, it’s still their lives and it’s clearly none of my business. They have the freedom to be happy with whoever they want to be with. And the best thing I/you could do as a fan is be happy for them.
“Iba din talaga kapag hindi mo gusto ‘yung isang tao para sa isang tao, pero wala kang magawa, kasi nakikita mo sakanya/sa kanila ‘yung ibang ngiti at saya. ‘Yung tipong gugustuhin mo na lang din maging masaya para sa kaligayahan nilang dalawa. Ganun talaga, eh, hindi naman natin alam ‘yung nararamdaman nila para sa isa’t isa. Eh, bakit ba tayo nangingialam pa?
“(Bashers, are you listening?)” (NORA CALDERON)